The Out Of Body Special - Kamakailan Lang lyrics
rate meKamakailan lang kumapit ka sakin
walang pakundangan, hindi alanganin
kamakailan lang di mo alam ako'y lumigaya
Kamakailan lang lahat ay bumagal
tayong dalawa lang, walang sumagabal
kamakailan lang binigyan mo ako ng laya
Sa 'king pagmulat, wala ka bigla
dagliang hinanap, hindi makita
hindi makita, kaya nanghihinayang na ako
Kamakailan lang wala akong sinuyo
pano nagawang mapasok ang puso
kamakailan lang, hindi kita kilala
sino ka nga ba?
Kamakailan lang ikay panaginip
at naguguluntang na ang aking isip
kamakailan lang tinalikuran ko ang pag-ibig
Sa 'king pagmulat, wala ka bigla
dagliang hinanap, hindi makita
hindi makita, kaya nanghihinayang na ako
bakit muling nasayang?
Kamakailan lang puno ako ng duda
kamakailan lang tumulo ang luha
kamakailan lang lumapit ka at iyong pinunas
ikaw pala ang lunas
Sa 'king pagmulat, wala ka bigla
dagliang hinanap, hindi makita
hindi makita, kaya nanghihinayang na ako
bakit muling nasayang?
Sa 'king pagmulat, wala ka bigla
dagliang hinanap, hindi makita
hindi makita, kaya nanghihinayang na ako
bakit muling nasayang?
Kamakailan lang bigla kang naglaho