Stick Figgas

Stick Figgas - Ayoko Na

rate me

Nais kong malaman niyo na ayoko ng magrap

Ayoko ng magrap, ayoko ng magrap

Basta ayoko ng magrap

Gusto kong malaman niyo na ayoko ng magrap

Kung naniwala ka naman agad, tanga!

Joke lang

Hip-hop ano nga ba ang tunay na kahulugan?

Pakisabi sa kin kung ba't mo to nagustuhan

Ako'y naguguluhan at meron lang napansin

Nakiki-rap lang yung iba para lang maging in

Paramihan ng bling-bling palakihan ng singsing

Di mo alam kung sino ang totoo at balimbing

Anlalaki ng mga ulo lumipad lang ng matayog

Natuto lang ng mag-Ingles ayaw ng magtagalog

"Represent I break it down for the Gangsta shit of the Malate"

"Wussup to all my homies I'm an OG call me ese"

O di ba ang pangit? O ano naiinis ka na?"

Pero pag inaayos ko bakit nakikinig ka ba?

Alam mo ba?

Singit kami ng singit ngunit wala namang nagpapasingit

Kaya ayoko na, kakalas na ko kay Kiko (Oh? )

Kayo naman di na kayo mabiro

Repeat Chorus

Hip-hop, kelan mabubuo ang ating pangkat?

Sapagkat panibugho naghari sa 'ting lahat

Walis tingting na nabuwag mga nabaling patpat

Nagsibuo ng mga gang kaya ang daming kalat

Magpapakuha ng litrato laging nakangarat

Naka-bonnet naka-jacket kahit tanghaling tapat

Ako nama'y nagbabakasakaling maingat ang ating kultura

Gamit ang aking sandatang nakahanda at laging nakakasa

Hindi baril kundi papel at lapis na nakatasa

At nais kong makalasap ng kahit konting ginhawa

You better listen up, makinig ka, paminawa

Ayoko ng magrap nakakawalang gana

Pagkat tayo'y parang mga talangka sa palanggana

Hilahan ng pababa, pababa ng pababa

Kritikal ang kundisyon at palala ng palala

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found