Sponge Cola

Sponge Cola - Pasubali lyrics

rate me

Kung pwede lang, ‘wag mo na ‘tong iwasan

At ‘wag mo ring ituring na biro

Marahil ‘to’y ‘di mo inaasahan

Pero sana’y ‘wag ipinid ang pinto

Itikom ang bibig

Mata’y ibaling sa ‘kin

Pakinggan mo ang sasabihin ko

Kailan mo ba matututunan

Kailan mo ba ‘pagsisigawan

Na ‘di mo na ‘pagkakailang tayo

Kay rami nang pinagdaanan

Ano pa ba ang iyong kailangan

Nagsusumamo na sabihin mo

Ang diwa ko’y tigib sa kaiisip

Sa sarili, laging may kinikimkim

Patuloy lamang bang mananaginip

At mananatili lang na nakapikit

Ako’y mayro’ng batid

Ito’y iyong pag-amin

Hindi na natin maiiwasan ‘to

Kailan mo ba matututunan

Kailan mo ba ‘pagsisigawan

‘Di mo na ‘pagkakailang tayo

Kay rami nang pinagdaanan

Ano pa ba ang iyong kailangan

Nagsusumamo na sabihin mo

Naiintindihan mo ba?

Kailan mo ba matututunan

Kailan mo ba ‘pagsisigawan

Na ‘di mo na ‘pagkakailang tayo

Kay rami nang pinagdaanan

Ano pa ba ang iyong kailangan

Nagsusumamo na sabihin mo

Nagsusumamo na sabihin mo

Hoh-hohh

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found