Southborder

Southborder - Asa (Sugo Theme Song) lyrics

rate me

Narinig ko ang iyong tinig

Kay ganda't kaibig-ibig

Tinig ng iyong kalooban

Na tila di mababahiran

Ako ba'y ‘yong tinatawag

Bakit ba ika'y lumuluha

Ikaw ba'y may dinaramdam

Tahan na't ako'y narito na

Ika'y mamahalin

Pipilitin ika'y pasiyahin

Di papayag na ika'y saktan

Ng kahit sino man

Ako'y asahan mo hirang

Sa lahat ika'y isang yaman

At nais nilang maangkin ka

Ang mga kilos mo't galaw

Tinatanaw nila sa araw araw

Di naman nakapagtataka

Ako ma'y nabihag mo na

Ngunit bakit ka lumuluha

Ikaw ba'y may dinaramdam

Tahan na't ako'y narito na

Ika'y mamahalin

Pipilitin ika'y pasiyahin

Di papayag na ika'y saktan

Ng kahit minsan hirang

At sa bawat araw na nagdaraa'y nangangamba

Di ko kaya na ika'y maaagaw ng iba

Sa mundo kong kay dilim ika'y aking ilaw

Kaya't asahan mo ika'y mamahalin

Ako'y asahan mo

Ako'y asahan mo

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found