Schizophrenia

Schizophrenia - Sa Atin Ang Gabi lyrics

rate me

<b>Sa Atin Ang Gabi</b> by <i>Schizophrenia</i><br />

[Verse 1]

(Juan Lazy:)

Tinig at sariling himig ang nagtulak sa'kin

Para sabihin ang gabing ito'y solohin natin

Kung chocolate yung kanya, mas sweet namn yung sa'kin

Ihahain, Sweet and Spicy Pancit Canton at kanin

At least, ako nagsaing para 'di malata

Ako'y nabulag sa pag-ibig mo, 'di ba halata?

Buong gabi ang mata ko'y sa'yo lang nakatingin

Dahil para kang pulo, malagkit kung tumingin

Gusto sana kitang kausapin

Huwag kang mag-alala dahil walang tao sa'min

Tayo lang dalawa, ako lamang at ikaw, walang iba

Gagawa ng paraan makasama lang kita

Ang oras ay patitigilin ko dahil mas pipiliin ko sa piling mo

Feeling ko ikaw lamang ang kasiping ko

Sa'tin ang gabi na kahit nakaw sandali

Teka, isang tanong isang sagot

Oo lamang at hindi

(Chorus)

Hindi ka pwedeng humindi

Pagkat sa'tin ang gabi

Hindi mapakali kapag wala ka sa tabi

Wag na wag kang hihindi

Abot langit ang ngiti

Ikaw ang katabi pagkat sa'tin ang gabi

[Verse 2]

(Harlem:)

Pausukin natin parang bagong salin na kape

Hindi sa akin, hindi iyo sapagkat sa'tin ang gabi

Sabik na sabik 'pag ikaw ang kahalikan

Parang dating magkasintahang nagkabalikan

Sa sobrang sarap, talo ang pananghalian

Sa lambing, parang yakap alon ng dalampasigan

Panatag ang loob at ako'y kalmado

Sa lambing, makakatulog mata ko'y sarado

Kulay ng pagmamahalan sa paligid napuna

Lahat kulay dugo pagkat mata ay mapula

Pakiramadam, magaang pa sa unan

Katawan'y nagliyab, mainit pa sa maanghang na hapunan

Hinahanap ng puso bulong kasi isa lang

Tanging hahanapin ko buong gabi, ikaw lang

Matagal ang hinintay upang masolo ka at

Yung ibigay ang sagot na hinihintay na sana oo pagkat

(Chorus)

[Verse 3]

(Harlem:)

Ikaw lamang ang nasa isipan

Pakiramdam ay para bang ako'y hinihipan

Ng hangin papunta sa kama

Nasa langit, nasa ulap 'pag ikaw ang kasama

'Pag ikaw ang katabi, isang gabi sa'tin bitin

Pagsasaluhan na gabi, 'sing dami ng bituin

Maikling panahon, dapat gawin nating mahaba

Kung kulang ang gabi, isama natin ang tanghali at umaga

(Juan Lazy:)

Sa harapan ng libu-libong usisero

Sa baliw na Pilipinong musikero

Nanatiling sikreto ang lihim ko na pagtingin

Ngunit sa'king pagtikim, nagkaliwanag ang dilim

Inibig ko ng tulad mo kahit ako'y salat sa pera

Ginagamit na liwanag sa pagsulat ay gasera

At hindi sa tubig kundi sa pag-ibig ay uhaw

Pagkainom, ganun pa rin, ang lasa ay kundi ikaw

(Chorus 2X)

(Outro:)

Gusto sana kitang kausapin

Huwag kang mag-alala dahil walang tao sa'min

Tayo lang dalawa, ako lamang at ikaw, walang iba

Gagawa ng paraan makasama lang kita

[Repeat 'til fade]

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found