Repablikan

Repablikan - Sino Ba Naman Ako lyrics

rate me

CHORUS: Sino ba naman ako?

Umiibig sayo?

Ang katulad ko'y di nababagay sa'yo

At kahit na ganun pa man

Umaasa parin, na darating din ang araw na ako ay matutunang mahalin.

Alam ko na hindi ako bagay sa iyo

Kasi mayaman ka at mahirap lang ako, sana naman, mapagbigyan ito

Ang sasabihin ko na alay ko sayo

(Sisisi) Sino ba naman ko?

Para makilala mo? Para makanta mo tong nasa puso ko

Dahil nababato ako tuwing naaalala ko

Dahil nahihiya ako tuwing nakaharap sayo

Ni hindi makakagalaw kahit anong paraan

Hindi mo pansin ilang taon ang dumaan

(Baba) bakit mukha ba akong aswang sinta

Gusto lang naman kitang malapitan, mahawakan, makayakap,

Makasama ka saking mga pangarap

Sa ginhawa't kahirapan na hindi malaman na ikaw lang kailangan

Kahit di ako mayaman

Sa pag-ibig na ito ay totoo, kahit na mabaliw ako basta't ako'y nasaiyo

Kahit sakripisyo gagawin ko, luluhod sa'yo.

Pero sino ba naman ako? Yo!

Sino ba naman ako para mahalin kita ng ganito

Di katulad ng iba pero mahal kita, makinig ka sa awitin ko

Kahit damit ko ay punit basta ikaw ay nakadikit

Sa puso ko ika'y mapalapit, pansinin mo lang ako, maligaya na ako

Lahat ay titiisin kahit na ikaw ay masungit pag-ibig ko sa'yo ibibigay

Kahit saan ka man patungo ako ang iyong gabay

Handa ako maghintay kahit gano pa katagal

Ang pag-ibig ko ito ay handa ko isugal sa iyo

Pero sino ba naman ako? hindi naman ako mayaman na katulad mo

Pero sa puso ko ay nag-iisa ka lang

Wala akong paki kahit tawagin ng iba

Kahit gano kabigat basta ikaw ang kaharap

Handa magsakripisyo kahit gano kahirap handang ipadama

Ang pag-ibig ko ng wagas, mamahalin kita hanggang sa dulo at wakas

Huwag kang mababanas kung ako ay ganito, mahirap lang ako pero

Pag-ibig ko'y buo mga sinasabi ko sana nga ay pansinin

Ito ang aking dalangin, na ika'y mapasa AKIN.

Kung mawawala ako sa katulad o, sana nga ay balang araw pansinin mo ako.

Araw-araw kitang inaabangan, sa tindahan hanggang umabot sa eskwelahan

Napapaginipan ang katulad mo, gabi-gabi ikaw sa isip ko

Pag makita lang kita ako'y sumisigla, hindi tuloy malaman kung anong dinadama

Kislap ng iyong mata pati manga ngiti, sana'y malasahan ko tamis ng iyong labi

Hindi naman ako perpekto, pero kaya kong mahalin ang katulad mo

Kahit hindi mo halata na mahal kita, araw at gabi sa puso ko nakapinta ang pangalan mo dito sa puso ko

Gusto ko lang kasi masabi sa iyo na mahal kita, pero bat di ko masabi?

Gusto ko man sabihin pero bat natotorete?

Hindi mapakali pag binabaliwala, gusto ko malapitan pero bat nahihiya?

Sana'y madama ang pag-ibig kong ito, sino ba naman ako, nagmamahal sa'yo?

Tanggapin mo ako diyan sa puso mo, bigyan mo ng puwang ang pag-ibig kong ito.

CHORUS: Sino ba naman ako?

Umiibig sayo?

Ang katulad ko'y di nababagay sa'yo

At kahit na ganun pa man

Umaasa parin, na darating din ang araw na ako ay matutunang mahalin.

Minamahal kita subalit, ang daming nagagalit

Batid ko lang naman na kahit ganito'y masilip

Ang kabutihan ng loob at wag ang pangit

Sana sa pera girl, wag kang maaakit

Sinubukan kong lapitan ka at sayo'y magpakilala,

Di pa man nakakalapit ay umiiwas ka na

Ang sakit naman sa puso, na ako'y biglang pagtawanan

Ngumiti na lang kahit nasaktan, apihin man ako tanggap ko yan.

Nais ko lang naman sanang ipaalam ito sa'yo

Na mahal kita, yan lang naman ang tanging ninanais ko,

Alam ko naman na 'di ako bagay sa iyong kagandahan,

Sino nga ba naman ako? Ang katulad ko, hanggang pangarap lamang.

Yo! Hindi naman ako sikat para mapansin mo ako,

Hindi naman ako perpekto kasi tao lang ako,

Hindi kagaya mo, langit ang naaabot

Samantalang ako, lupa sa akin ang nakabalot

Sa tuwing madadatnan na ako'y na papanganga,

Hindi mabigkas bigkas salitang na iipit sa dila,

Tila ba'y nagpapahiwatig, "wag ka nang umasa pa"

Dahil isang katulad niya, ay bihirang makasama

Oh diyos ko, patawarin kung ang sarili pinipilit,

Nag babakasali na siya rin sa akin ay maakit,

Alam naman natin, "walang imposible sa mundong ibabaw"

Baka maly natin, maging kami rin balang araw (balang araw)

CHORUS: Sino ba naman ako?

Umiibig sayo?

Ang katulad ko'y di nababagay sa'yo

At kahit na ganun pa man

Umaasa parin, na darating din ang araw na ako ay matutunang mahalin.

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found