Reminisent 6

Reminisent 6 - Pitikbulag lyrics

rate me

Naalala mo pa ba sinta

Noong tayo'y mga musmos pa

Madalas tayong naglalaro

Sa hardin ng inyong bakuran

Takpan mo na ang iyong mga mata

At ang laro'y sisimulan ko na

Humanda ka at pipitikin ko na

Mga kamay mong ubod ng ganda

Pitikbulag ang naging daan

Kung bakit tayo naging magkaibigan

Pitikbulag ang naging dahilan

Kung bakit ako sa iyo'y umibig na lang

At nang tayo'y magkamalay na

laro nati'y lalong sumasaya

Walang inisip kundi ang isa't-isa

At amg kaisyahang nadarama

Ngunit ngayo'y nagbago ka sinta

Pinagsamaha'y nimot mo na

Pag-ibig natin sa isa't-isa

Sa isang iglap naglaho na

Tingnan mo aking mga mata

Ako kaya'y iniibig mo pa

Ang laro'y tinapos mo na

Ang lahat pitikbulag lang pala

At sana'y malaman mo

Ang tibok ng puso kong ito

Na para lamang sa iyo

Na dapat na maangkin mo

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found