Mike Kosa - Under Ako lyrics
rate meSinusulat ko pa lang may halo na'kong kaba
Iniisip ko pa nga kung paano sisimulan
Baka kasi mag-away tayo na 'to pa'ng dahilan
Baka makipagbreak ka sa'kin 'pag itoy narinig
O 'di kayay paglampasuhin na naman ng sahig
Imbis ikaw ang pasan, laging pasan ko ay basura
Na kailangan kong matapon sa loob ng medya-ora
Sa tuwing ako ay aalis, kahit merong pasalubong
Imbes na yakap ang datnan, sampal pa rin ang sasalubong
Pero kahit ganun, nagmamahal pa rin sayo
Kahit na sinasabihan na under ako
Mahal kita, alam mo bang lahat ay gagawin
At kahit na madalas mo mang bugbugin nandiyan pa rin
Ang puso ko ay iyong-iyo, ikaw ang laging laman
Mawala man ako, 'di magbabago ang pag-ibig ko sayo
Tinatanggap pa rin kahit na masyado kang demanding
Under daw ako sayo, no, I'm understanding
At 'wag na daw akong gumawa ng gusot
Pagka't hindi daw eepekto ang mga palusot
Yari ako pag nahuling tumingin sa iba
Sya na lang daw ang tingnan hanggang lumabo ang mata
Ewan ko ba kung bakit may ganitong relasyon
Kahit naiipit na minsan sa mga sitwasyon
Akoy taga laba, taga ligpit, taga igib ng tubig
Ang nooy kumukunot sa tuwing balde ay natatabig
Hindi ko naman sinasadya, ngayon akoy namumutla
Mukhang away nagbabadya at mabato 'ko ng batya
At kahit na kinukutya ako ng iyong magulang
Ginawa ko ay labis labis at hindi ako nagkulang
Yon na nga lang, siguro masunurin ako
Kaya naman sinasabihan na under ako
Hindi kita pagpapalit dahil ikaw ang mahal
Kahit sa piling moy sakal ako ay sumugal
Hindi naman siguro habang buhay na gan'to
At magsasawa ka na rin sa'kin ng kababato
Ng mga baso, kutsara, at saka ng pinggan
Natataranta na kapag boses moy napakinggan
Ayoko nang balikan ang away at tulakan
Sapat na sa'kin na kasama ka at ikay halikan
Yakapin mo na lang ako kesa sa kurutin
Pigilan mo ang yong barkada na akoy kurutin
Pagka't hindi niya lang alam na ikaw ang mundo
Kasi minsan lang ma-inlove ang taga tondo
Kahit gaano ko katigas ay kayang palambutin
Sabihin lang ang yong utos walang dabog na gagawin
Pero kahit na ganyan ka sa'kin tandaan mo 'to
Na may isang under na tulad kong nagmamahal sayo