Mike Kosa

Mike Kosa - Kaibigan lyrics

rate me

Andyan kayo sa panahon gusto ko ng lisanin

Ang mundong to dahil sa bigat ng aking pasanin

Mga problema ko na kayong nakakaramdam

Mga pangarap ko na kayong nakakaalam

Kayo ang aking gabay kaya hindi bumigay

Mga sama ng loob na dinadaan sa tagay

Kayo ang nag palakas ng loob upang kumasa

Hindi nyo ko pinabayaan na akoy mag isa

Sa hirap man o sarap o meron man o salat

Nag aambagan lahat walang wallet sa balat

At kung anong nakalapag ay pinagtsatsagaan

Problema man na kay bigat inyong pinapagaan

Di ko malilimutan

Kaibigan na pinag samahan

Mga bagay na nangyari lungkot man o ngiti

Mga gintokong sandali…

2nd

Hindi ko na mabilang kung ilang beses lumapet

At sa bihin ang problema na aking sinapet

Lagi kayong nasaking tabi at handang tumulong

Mula sa aking pagsikat hangang saking pag gulong

Mga tawanan na bumabakas sa bawat ngiti

Na pumapawi sa lahat ng dinanas kong hikbe

Sumasaya ang sanadale kapag nag bibiruan

At kung sino ang mag kakaso ay walang turuan

Pakikitungo ng bawat isa lage ay pantay

San man lugar magkakasama at magkakaakbay

Sana walang bumigay sa ating pag lalakbay

Mapapasakamay din natin ang mga tagumpay

3rd

Ito ay simpleng kanta na aking na isulat

Upang iparating ko ang aking pasasalamat

Sampu ng ating samahan at mga kabilang

At ilang kaibigan ko na naging magulang

Kayong nag mulat ng aking mata upang makita

Na masaya parin tayo kahit walang kinita

Sa kagustuhang umunlad sabay sabay nangarap

Na balang araw makamit at atin tong mahanap

Na kahit na ang isa satin ay makatalisod

Para tumatag ang samahan at mataguyod

Dahil pagsikat ng isa ay pag angat ng lahat

Kasi yaan ang dahilan kung bat tayo nag susulat

Wala na tayong iwanan pre hanggang sa hule

Sabay sabay natin tapusin ang mga nang ape

Akoy inyong kakampe kayo naman aking sandalan

Ang pagsasamahan natin tunay ay pang matagalan

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found