Martin Nievera

Martin Nievera - Pag-Uwi lyrics

rate me

O kay tagal na natin nagkakalayo

Nung tayo’y magkahiwalay ako’y musmos

At sa hardin ng kabataan nangako’t nagpaalam

At hinagkan kita may gatas pa sa labi

Ewan ba saan napunta ang panahon

Sa hanapbuhay buhay ko’y nakatuon

Sa bayan ng mga banyaga

Ako ay manggagawa

Pag-ibig ko sa’yo iniirog

Ohh kay layo mo

Di maabot nitong mga kamay

Walang tulay na kayang tumawid

Sa mga taon kundi ang alaala

Alam ko nang ating mukhay may guhit na

Mga dinanas natin ay magka-iba

Ngunit sa’king pagbabalik

Sariwa ang halik, halik sa 'yong dibdib

Bayan ko

Ako ngayon ay pauwi at napapangiti

Pagkat malaon na oh bayan ko

Ohh kaylapit na

Ako’y sabik na makapiling ka

Sa pagdating may luha ma’t wala

Akoy sisigaw at hahalik sa lupa ohhh

Kay tagal na nating magkakalayo

Noong tayo’y nagkahiwalay ako’y musmos

Ngunit ngayon ay pauwi at napapangiti

Pagkat malaon na sinta

Ako ngayon ay pauwi at napapangiti

At hahalik sa’yo bayan ko

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found