Mark Logan - Huling Sandali lyrics
rate meAko'y labis na humahanga sa iyo,

Sa mga katangian na tinataglay mo,

Ligaya lagi ang nararamdaman ko,

Sa tuwing kasamang maglalakbay tayo.

Bawat oras ika'y nasa aking isip,

Na kahit kailan 'di ka nawawaglit,

Maging sa'king pagkakaidlip,

Ikaw ang hinahanap ng puso't isip.

'Di ko makakalimutan ang mga araw,

Masayang oras na aki'y tinatanaw,

Sabay tayo sa tubig nagtatampisaw,

Na pilit ko paring inaabot-tanaw.

Ngunit kailangan ko na bang tanggapin?

Na malayo at mawalay sa'yong piling,

Sa Diyos-kapal na aking dasal't hiling,

Na makasama ka at aking angkinin.

Nang malaman kong ika'y ibig lumayo,

'Di mo sinabi kung saan ka tutungo,

Sa mga suliraning nais mong lumayo,

Pabaon ang huling habilin ko sa'yo:

Huwag kang lumisan upang ako'y iwan,

Sa mundong ating kinatatayuan,

Na puno nang dusa at kapighatian,

Kaya ngayon ako'y lugmok sa karimlan""