Yoyoy Villame

Yoyoy Villame - Nasalisihan lyrics

rate me

Nasalisihan

By: Yoyoy Villame

Noong ako ay umalis, at iyong inihatid doon sa airport

pinabaunan mo ako ng malamig na halik o napakalungkot

hindi ako nakatiis, lumuha na lang ako at tumalikod

pagka't aking naramdaman pag-ibig ko sa iyo'y sinusulot

nang ako'y sumakay na sa eroplanong kay ganda ika'y tuwang tuwa

pagka't masusunod muna ang lahat ng layaw mo'y malayang magagawa

sa may bintana ng airplane buma ba bye ka sa akin ay aking nakita

na ka-akbay akbay muna ang iyong bagong sinisinta

lumuha ako'y lumuha pagka't wala na akong magagawa

lumuha ako'y lumuha pagka't wala na akong magagawa

nang ako'y naruon na sa distino kong bansa pag asa'y nagdilim

nang bigla kong natanggap ang sulat ng ating anak na panganay natin

at ang sabi niya itay madalas kami ngayong hindi kumakain

pagka't ang nanay ko itay ay hindi na umu uwi sa atin

lumuha ako'y lumuha pagka't wala na akong magagawa

lumuha ako'y lumuha pagka't wala na akong magagawa<br />

<br />

Thanks to Israel Pineiro Jr.

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found