Gloc-9

Gloc-9 - Panaginip lyrics

rate me

nagdiriwang na ang puso ko kapag inaantok

wala na akong pakialam kahit papakin pa ng lamok

kahit mainit malamig basta't napasandal

dire-diretsu na ang tulog kahit bumarandal

well ok lang alam ko naman na magkikita pa naman

tayong dalawa sa may tagpuang tayo lang ang may alam

maramdaman na kahit minsan na ako'y iyong mahal

subalit nagising na lang ako na meron nang sumasakal

umaandar pa rin ang isip ko na kasama pa kita

kahit sinasampal nila ako nakikita pa kita

ano nga bang pinakain mo bakit patay na patay sa'yo

pati na nga trabaho ko napabayaan ko

ipagtatapat sa'yo ikaw lang aking pantasya

sagutin mo lang ako ililibot kita sa asya

buong hacienda ipapamana sa iyo

o.k. na sana ang lahat bakit ginising mo pa ako

Chorus

kung panaginip ka lang ayaw ko nang magising pa

pagkat nadarama'y ligaya

lahat ng naisin mo'y aking ibibigay

pagkat ikaw ay aking mahal

pagbigyan mo naman ako

minsan na lamang hihiling

pagkatapos naman nito patuloy kang mamahalin

'wag mo namang palampasin ang gabing ito ng 'di malinaw

ipaliwanag mo ng mabuti pero 'wag mong isigaw

napahiyaw pagkat nangyari ang aking inaasam

kahit medyo suntok sa buwan

at least 'di na manghihiram

kay kabunegro na may gawa ng matatamis na panaginip

luluwag nang paghinga at ang puso'y 'di na maninikip

pinapahigpit mo pa nga yakap

at ako nama'y tuwang tuwa

at milagro nga'ng ito sa isip ko walang wala

binalewala ang mga kantyaw na 'di raw tayo nababagay

ako mismo 'di makapaniwala na sa'kin ka pa bibigay

pinagpalagay ko na lang lahat ay kaloob sa akin ng Diyos

kailan may 'di babastusin(susundin lahat ng utos)

hanggang mapaos sa awitin

sana nama'y iyong dinggin

at kung panaginip lang ito sanay 'di na 'ko magising

chorus

dapat ko lang tapatan,taasan,higitan

ng walang hanggan

pagmamahal na inalay mo lubusan kong tutumbasan

sabihin mo lang sige lang,sige lang

bago tuluyang mabuang

di na nga makapaghihintay

kahit isa lang,isa lang,isa lang

(hahahahahahehehe)

mababaliw yata ako sa tamis ng iyong halik

masasabik ako parati na ikaw ay makapiling

pero pls. lang baby ako'y nagising,nagising,nagising

na para bang duling para bang lasing na napraning

sabihin mo lang kung saan patungo

upang ating marating ang minimithi abot-kamay

walang-wala itong sablay

handang handa ng maghintay

wala na sanang bibigay

mamahalin habang buhay,mamahalin kahit patay

parang pilay na walang saklay kapag ika'y humiwalay

mamamatay(para sa'yo)

mabubuang(para sa'yo)

mamamatay na lang ako kung panaginip lang ito

chorus2x

Note: this is not by gloc-9

Thanks to Rae for correcting these lyrics

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found