Gloc-9 - Balita lyrics
rate meLapit mga kaibigan at makinig kayo

Ako'y may dala dalang balita galing sa bayan ko

Nais kong ipamahagi ang mga kwento

At mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako.

Ako ay pilipino sa isip at sa gawa

Ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita

Isang gobyerno na kayang sikmurain at magtawanan

May pamilyang kumakain na kulang sa dalawang

Beses sa isang araw minsan wala pang pang lugaw

Bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw

Ang dadamputin at kakainin ng batang gutom

Alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom

Na merong mas masahol pa sa hatol na kamatayan

Yan ay ika'y maging mahirap sa sarili mong bayan

Mga bata na ang dapat na ginagawa'y maglaro

Bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto

Upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis

Kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis

Hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso

Bagkus isang taong gulang nyang kapatid at may baso sa harapan

Na nagbabakasakaling lagyan baryang pambili ng tinapay na pang laman sa tiyan

Mga pinunong bago mamatay at magkasakit

Sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig.

Duul mga kaigsuunan ugpami naw kamo

Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko

Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya

Na naga gahitabo sa banwa gisaad na to

Mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga

Tangan tangan at balot nakasuot ng pang digma

Bakit di mapag tugma ang mayaman at dukha

Sa pananaw ang kapalit ay hapis at pag luluksa

Pare-parehong sundalo muslim man o kristyano

Ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo

Walang panalo dahil sa huli tayo ang talo

Pinoy ang nasa loob ng ataul na sinarado

Yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang

Pinangako respeto't pagmamahalan ay pilit na tinatago

Lawin hindi maka dapo may pakpak na limitado

At naka kulong sa seldang may walang susing kandado

Kaylan kaya matatapos ang pag agos ng dugo

At ang kpayapaay mahawakan ng buong buo

Yan ba ang kwento o tanong na pilit na humahawi

Sa bawat taong bahagi ng watawat na hinapi

Duul mga kaigsuunan ugpami naw kamo

Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko

Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya

Na naga gahitabo sa banwa gisaad na to

Lapit mga kaibigan at makinig kayo...