Gloc-9

Gloc-9 - Bakit lyrics

rate me

CHORUS: Bakit hinahanap ka (bakit kaya) Bakit tinatawag ang 'yong pangalan [Repeat CHORUS] Nang una kitang makita Sa may Ermita Hindi ko na namalayan kung bakit Na para bang ako'y naakit Nang ika'y lumapit Tinanong ko ang 'yong pangalan at ang 'Yong telepono, pero sabi mo 'Di mo kinakausap ang mga katulad kong Walang pera, walang kotse 'Di doble-doble ang cell Pero teka muna, miss, 'wag kang mabilis Lumakad, 'di naman ako manyakis At walang labis Walang kulang ang sinukli ko sa 'yo Balot Eto pa sige dalhin mo na lang sa inyo Kahit na wala akong kitain Walang makain Basta't alam mo lang Kung gano kahalaga sa akin Nang ikaw ay mapaglingkuran (paglingkuran) At mapagsilbihan (pagsilbihan) 'Pagpatawad mo sana Ako man ay naguguluhan [Repeat CHORUS twice] Sa loob ng aking kuwarto Sa loob ng banyo Kung alam mo lamang ang dami ng mga litrato Kinunan ko sa may kanto At ipinakuwadro ko pa Nang sa ganon ay lagi tayong magkasama Araw man o gabi kahit sandali Sa hirap man o ginhawa Ikaw at ako magpakailanman Na para bang mga palabas sa sine Alam mo na para bang imposible Pero pwede ka bang mailibre Sa kanto ng lugaw Palamig, siomai o siopao Baka pwede 'wag kang masyadong matakaw Sige na nga pero pwede bang dumalaw Pagmamahal ko Sana ay tanggapin mo Pero kung itataboy moAy ikamamatay, ikamamatay ko [Repeat CHORUS] Siguro naman ngayon ay alam mo na Kung gaano kawagas ang aking pag-ibig Simula sa laman hanggang sa litid Kailaliman ay sinisisid Pero bakit ginamit Puro luha at pasakit Makalipas ang mahabang panahon Ang aking pagmamahal ay napalitan ng galit Nang makita kita na may kasamang iba May dala-dala pa naman akong regalo Matagal kong pinag-ipunan Kinuha sa alkansya Naglalakad habang lumuluha Tinititigan ang lupa Sinungaling ang mga baraha na tinanong Hindi naman natupad ang kanilang mga hula Wala nang dahilan para mabuhay Naging abo, wala nang kulay Akala ko nung una, tayo nang dalawa Ilang taon din naman akong naghintay Paalam na, aking mahal Ako ay 'di na magtatagal At tanging ang 'yong pagbalik Ang s'yang aking ipagdarasal (ipagdarasal, ipagdarasal) [Repeat CHORUS thrice till fade]

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found