Flick Gee - One Life, One Love lyrics
rate meSa bawat buhay ng tao'y mayroon pagibig na nakahimlay

At tanging dapat mong lang gawin sa akin ay sumabay

Halika na't gisingin natin ang tulog mong diwa

Ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa

Sa pagkakataong ito hari'y aking opinyon layunin ko'y

Makaisa lahat ng relihiyon

Bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin

Bawat tao ay may buhay na pwedeng tubusin ng diyos

Anu mang oras handa man o hindi

Madadaig mo ba si kristo sa kanyang pagtitimpi

Habang pasan ang krus ant ipinakong walang laban

Mahal ka ng diyos hindi mo lang 'to nalalaman

Minsan sa ating buhay mayroong suliranin

At hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin

Basta't ang malahaga mayroong isang pagibig

Umaasang may gagabay sa ating paligid

Dahil tayo'y may...

Ako'y nabuhay sa mundong hindi inabot ang ama

At inasa ang lahat sa aking nagiisang ina

Ang mayakap siyat at pasalamatan gusto kong pasanan

Nang hindi hinahangad sa aking nakalaang pamana

Ngunit ako ay naligaw ka'y haba na ng sungay

Sa tuwing kakausapin niya ako mata ko'y mapungay

Pinili kong daan iba sa karaniwang bata

Impyernong itinuring mas matindi pa yata

Ang mapayapa't pangakong paraiso

Ay di mo makakamtan kung ang nasa bulsa mo ay piso

Limutin nalang anung man maibigan

Kung wala kang pera walang tapat na kaibigan

Masaklap man inabot kong katulad ba sayo

Istorya ko't maging sayo hindi man nagkalayo

Siguro nga pareho lang tayo ng naranasan

Tuloy parin ang luha ilang beses mang punasan.

Dahil tayo'y mayroon kang...

Dumalaw sa mga kaibigan para matulungan sila

Na maibsan ang kalungkutan sa kulungan

Yan ang aking gawain tuwing sasapit ang linggo

Sa piling ng mga kasama kong nakabilanggo

Sa mga kasama kong nasa laya na may atraso

Lihim na kung mamuhay at binilang na retaso

At isang pilas ng papel na nilamukos

Kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos,

At bakit ganun pag sinabing muslim ay matapang,

Pag sinabing taga capiz mangkukulam, mambabarang,

Pagsinabing waray walang awa kung pumatay,

At pag sinabing pilipino alipin habang buhay

Ako ay pilipino isa rin sa kinakapos

Tanong ko lang sino ba yung tinatawag nilang diyos

Siya ba yung nakasama mo sa madilim na eskinita

At inakay ka sa may liwanag

Kahit di mo siya nakita...