Eraserheads

Eraserheads - Kailan lyrics

rate me

kailan mo ako hahagkan

matagal na akong naghihintay

nakadungaw sa bintana

mga dahon lang ang kumakaway

kailan ko madaramdaman

pagdampi ng iyong labi

tinatanaw ko ang mga bituin

mga luhang humahalik sa aking pisngi

kailan ako tatahan

higpit ng yakap ng iyong dibdib

nakatingin ako sa salamin

may guhit ang noo't

mapait ang ngiti

kailan ko madaramdaman

pagdampi ng iyong labi

tinatanaw ko ang mga bituin

mga luhang humahalik sa aking pisngi

kailan ko masisilayan

sa araw-araw aking mahal

mula paggising hanggang sa pag-idlip

kagandahan mong walang patid

kailan mo ako hahagkan

matagal na akong naghihintay

nakadungaw sa bintana

mga dahon lang ang kumakaway

kailan ako lalaya

sa anino ng pag-iisa

mga rehas lang ang tanaw

nanginginig sa seldang maginaw

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found