Centerpoint

Centerpoint - Loob Ng Selda lyrics

rate me

Sa loob ng seldang ako ang may gawa

Di ko mabilang ang mga bangungot at pagpatak ng luha

Di ko sigurado kung may bukas pa

Hinihiling na buhay ay matapos na

Sing nipis ng isang tingting ng walis ang pag-asa

Di mabayaran ang kasalanan ko

Di rin mabayaran ang kalungkutang nararamdaman sa puso

Sana may puso pa ako

Ang tanging kaya kong gawin ay ang pagdaraasal

Nawa’y sa kulit ang Diyos ay di nasasakal

Pre-chorus

Inakala kong langit pero nahulog sa sakit

Kung puwede lang ulitin ay di ko an gagawin

Chorus

Habang may bukas may pag-asa

Ika’y lalaya

Ang pagdurusa ay mawawala

Di maglalaon babangon kang muli

Sa loob ng seldang ako ang dahilan

Sa puso kong nakakulong sa sintensiyang anak ng kasalanan

Mabuti pa ang pagkaing preso na kaya ko pang lunukin

Pero himala nalang ang katapat para lamang matiis ko parin ang lungkiot

Ang bawat gabing di makatulog

Ang pagnanais na mawala na ang poot ng bawat araw na ginuguhit ko

Mga linya sa pader na nagpapaalala

Di ako tunay na buhay kung hindi ako Malaya

Pre-chorus

Chorus

Sa loob ng seldang ako ang may gawa

Sa lubos na pagsisisi’t pagpatak ng luha

Ang magsimulang muli at ayusin ang dangal

Ay ilan sa libulibong aking dinarasal

Ang makitang muli ang tamis at ngit ng mga mahal sa buhay

Ang makapaglakad sa kalye ng walang posas, walang rehas

At kahit pa walang guwardyang sa’kin ay nakatingin

Ako’y mapapalaya dahil wala nang masamang gagawin

Pre-chorus

Chorus

At sa liwanag ay mabubura ang dungis

Ang dungis ng ‘yong puso

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found