Asin

Asin - Magulang lyrics

rate me

Magulang, makinig kayo

Sa aral ng kantang ito

Magulang, 'di ba gabay kayo

Sa landas na tinatahak ko

REFRAIN 1

Ba't ako nakakulong

Sa mundong gumugulong

Ba't ako'y litung-lito

Sa buhay ay tuliro

Magulang, ako ba'y huwaran

Ng anak na nasa lansangan

Magulang, ano ang sandigan

Ng lahat ng katotohanan

REFRAIN 2

Sanlibo't isa ang naglundagan

Sa bangin ng kapalaran

Iabot mo ang iyong kamay

Kung ikaw ang siyang gabay at maliwanagan

AD LIB

Magulang, unawain mo

Ang lahat na pagkukulang n'yo

Magulang, ituwid ninyo

Ang lahat ng kamalian n'yo

REFRAIN 3

Ituro n'yo ang tamang daan

Huwag lamang sa salita

Nais kong masaksihan na ang inyong ginagawa

Ay para sa kapakanan ng mga bata

CODA

Magulang (magulang)

Makinig kayo (makinig kayo)

Magulang (magulang)

Mahal namin kayo (mahal namin kayo)

Magulang (magulang)

Makinig kayo (makinig kayo)

Magulang

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found