Arca - Kasagutan lyrics
rate meSa bawat katanungan.. may posibleng kasagutan..
ngunit may inaakalang kasagutan..
na hindi mo dapat kapitan..
maraming klase ng droga
na pilit na inaabuso
at marami ang tao
pilit nais dito'y matuto
at walang sinasanto
banyaga man o pilipino
lantaran o patago
bentahan dito'y malago
talamak san mang lugar
walang huli kahit bulgar
protektado ng iilan
kase bulsa nalalagyan
gumugulong na kalakaran
mahirap ba mapigilan
mahirap man o mayaman
patuloy pinipilahan
di na nila alintana
sila man ay mag-kasala
mapariwara, masira
panlaman na ng sikmura
ito ba ang pambubuhay
at piniling hanapbuhay
pati rin ba sa pamilya
ito pa ang papamana?
magulo na ang mundo
lumaban wag magpabuyo
sa tawag nitong demonyo
ang bato damo delubyo
mapanira to sa ulo
taliwas sa lumikha
iwasan nating manira
maging layuning gumawa..
Ang inakalang kasagutan
huhukay ng 'yong libingan
yang napili mong kapitan
inaanay marupok
sa kumunoy na tinapakan
umahon ka kaibigan
'bang may oras pagisipan
mamulat sa katotohanan..
marami mang katanungan
na pilit na bumabalot
sa 'yong isipan pare..
di droga ang kasagutan
hindi malulutas ang problema
ng isa pang problema
pare makineg at
wag lang yan ang 'yong sandigan..
Sa bisyo mong pinasok
ika'y naging talamak
hanggang sa dumating
ang buhay mo ay napahamak
kailan ba magbabago
ang buhay mong tinatahak
gusto mo bang tawaging
salot ka na sa lipunan
bakit ba hindi na lang
trabaho unang pagtuunan
ito ay simpleng awit
na sa droga'y nalululong
na dinaan ko sa tula
sa kabataan makatulong
maibangon maiahaon
sa pagkakalugmok
ang ilan sa kabataan
na nagiging mapusok
nagagawang magnakaw
makatikim lamang ng droga
at di nila alam
nakakasira ng sistema
hindi lang sa sarile
pati na rin sa pamilya
kaibigan di pahuli makawala
sa kadenang nakagapos
huwag mo na hayaan isang iglap
buhay mo'y matapos
manalangin sa may kapal
at di ka n'ya pababayaan
darating ang bukas mo
na may liwanag sa karimlan..
Ang inakalang kasagutan
huhukay ng 'yong libingan
yang napili mong kapitan
inaanay marupok
sa kumunoy na tinapakan
umahon ka kaibigan
'bang may oras pagisipan
mamulat sa katotohanan..
marami mang katanungan
na pilit na bumabalot
sa 'yong isipan pare..
di droga ang kasagutan
hindi malulutas ang problema
ng isa pang problema
pare makineg at
wag lang yan ang 'yong sandigan..
marami na'kong nakilala
bisyo ang naging sandigan
pero nasaan sila ngayon
lugmok sa kadiliman
yung ilan sa may piitan
bumigay na ang isipan
yan ba ang iyong katwiran
at sagot sa katanungan
masakit man 'tong isipin
na ika'y nag-paalipin
sa kapiraso ng bato
kaluluway binenta mo
utak tuyo't parang damo
mapusok na parang isang aso
isa ba sa mga plano
lumayo sa'yo ang tao
d'yan ka ba napapanatag
'pag wala kang maaninag
ang kaibigan na tinuring mo
palaging naandyan sa'yo
iiwan ko tanong sa'yo
lunas na ba problema mo ?
Masdan mo ang sarile mo
kilala mo pa ba ito?
masdan mo magulang mo
lumuha ng dahil sayo
kailan nyo pa matatanto?
Pag-nilalangaw na kayo?
Halika kaibigan
baguhin ang kapalaran
tawagin kanyang pangalan
bago pa mapagiwanan..
Ang inakalang kasagutan
huhukay ng 'yong libingan
yang napili mong kapitan
inaanay marupok
sa kumunoy na tinapakan
umahon ka kaibigan
'bang may oras pagisipan
mamulat sa katotohanan..
marami mang katanungan
na pilit na bumabalot
sa 'yong isipan pare..
di droga ang kasagutan
hindi malulutas ang problema
ng isa pang problema
pare makineg at
wag lang yan ang 'yong sandigan..