Apple Abarquez

Apple Abarquez - Limang Dipang Tao lyrics

rate me

<b>Limang Dipang Tao</b> by <i>Apple Abarquez</i><br />

Limang dipang taong nagtutulakan

Sa Avenidang aking napagdaanan

Nag-aabang ng masasakyan

Patungo kung saan di ko malaman

Sa aking jeepning sinasakyan

Mayroong natanaw na mama

Sa dinami-raming nagdaraan

Ikaw pa ang nakita...

Ikaw pa ang nakita, may kasamang dalaga

"Para mama, dito na lang,

Bababa na ako..."

"Para mama, dito na lang,

Heto ang bayad ko..."

"Para na sabi, para na sabi,

Para mama para na diyan sa tabi..."

Limang dipang taong nagtutulakan

Ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo

Tinatanaw ang pag-akay mo

Sa babaeng pinagseselosan ko

Sa pagmamadali ay nadapa ako

Sa bangketang kinatatayuan ninyo

Lumapit ka at tinulungan ako

At kita'y tinitigan, mga mata'y nagkabanggaan

Ano ba itong naramdaman?

"Sorry, mama, pasensiya ka na!

Akala ko'y asawa kita..."

"Sorry, mama, pasensiya ka na!

Sorry at naabala kita..."

"Sorry na sabi, sorry na sabi

Sorry mama sorry at napagkamalan ka!"

"Sorry at napagkamalan ka!"

Limang dipang taong nagtutulakan

Sa Avenidang aking kinatatayuan

Nag-aabang ng masasakyan

Patungo kung saan di ko malaman

Limang dipang taong nag-uunahan

Sa uunting sasakyang nagdaraan

Sayang ang jeepning kanina'y lulan

At ngayo'y nagsisisi sa aking pagbubusisi

Malaking pagkakamali

"Para, mama, sasakay po

Limang dipang taong nagtutulakan"

"Para, mama, sasakay po

Limang dipang taong nag-uunahan"

"Para na sabi, para na sabi,

Para mama, para na dyan sa tabi."

"Para na sabi, para na sabi,

Para mama, para na dyan..."

"Para na dyan... sa tabi."

"Para na sabi...

Para na diyan sa... tabi"

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found