Ang4

Ang4 - Ang Galing Ng Pilipino lyrics

rate me

<b>Ang Galing Ng Pilipino</b> by <i>Ang4</i><br />

Kahit saan lingunin mo

Sikat ng talaga iyan, ang tutoo

Sa abilidad, walang tatalo

Sa kalidad, laging panalo

Kahit kailan, taas lagi ang noo

Madalas kung minsan laging nangunguna tayo

Sa laro man o kahit sa anong trabaho

Kitang-kita ang galing

'Di ba ang galing ng Pilipino

Ang galing ng Pilipino, kilala at alam na

Ang galing ng Pilipino sa apat na sulok ng mundo

Pagkat ang galing ng Pilipino sa isip sa salita at sa gawa

Ang galing ng Pilipino bilib na silang lahat

Basta't ang galing ng Pilipino 'yan at 'yan ang paniwalaan mo

Ang galing, ang galing galing

Ang galing, ang galing galing

Kahit saan, kahit kailan ang dating niya'y magaan

Basta't gawa ng Pilipino sigurado kang panalo!

Kung kailangan ng pagbabago, d'yan nag-kakaisa tayo

Minsan nga isang Pebrero, bumilib ang buong mundo

Kaya, laging tangkilikin anumang gawain natin

Sino bang magtitiwala kundi tayo sa ating kapwa

Kay tagal na nating yaman ang dangal at kalayaan

Mabubuting katangian, bawat isa sa atin ay mayroon niyan

Kaya nga

Ang galing ng Pilipino, kilala at alam na

Ang galing ng Pilipino sa apat na sulok ng mundo

Pagkat ang galing ng Pilipino sa isip sa salita at sa gawa

Ang galing ng Pilipino bilib nga silang lahat

Basta't ang galing ng Pilipino 'yan at 'yan ang paniwalaan mo

Ang galing, ang galing galing

Ang galing, ang galing galing

Ang galing, ang galing galing

Get this song at:  amazon.com  sheetmusicplus.com

Share your thoughts

0 Comments found